Sunday, November 3, 2013

Vilma at Luis, nagkatapatan na habang nagbabakasyon

Ni Jimi Escala


Gov. Vilma Santos LATE na naka-text back sa amin si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto nang batiin namin ng advance happy birthday. Ngayong araw ang 60th birthday ni Ate Vi na nagbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya; sina Sen. Ralph Recto, Luis, Ryan, mga kapatid at ilang kaibigan.



Nang planuhin ang bakasyon ay kasama nila dapat si Jennylyn Mercado pero ilang araw bago ang Japan trip ay naghiwalay sina Luis at Jen kaya hindi na nakasama ang Kapuso star.


Sa ipinadalang reply ay masayangmasaya ang Star for All Seasons dahil kumpleto raw ang pamilya niya at super enjoy daw silang mag-anak sa pamamasyal.


“Really need to unwind para pagdating ko diyan, eh, work na naman. Kailangan ko kasi ang paminsan-minsan ganitong bakasyon.


Kumbaga sa kotse, eh, kailangan kong magpagasolina. Pagbalik ko, eh, inspired na naman at ganado para harapin ang work ko bilang gobernador ng Batangas,” laman ng text message sa amin ni Ate Vi.


Tinatangka sana naming kunin ang reaksiyon ni Ate Vi sa break-up nina Luis at Jennylyn, pero naramdaman agad namin na ayaw niyang magkomento tungkol dito.


Nakapag-usap naman daw na sila ni Luis tungkol sa nangyari at consistent pa rin ang kanyang panganay na ever since ay walang inililihim sa kanya. Pero siyempre bilang ina ay mas gusto ni Ate Vi na manahimik tungkol sa isyu.


Mas makakabuti raw na i-enjoy nilang mag-ina ang bakasyon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Vilma at Luis, nagkatapatan na habang nagbabakasyon


No comments:

Post a Comment