Saturday, November 23, 2013

Victor Basa, perfect para sa Cotton Club

Ni Charina Clarisse L. Echaluce


INAMIN ni Victor Basa na bagamat hindi kalakihan ang naging role niya sa katatapos lang na teleseryeng My Husband’s Lover ay nakatulong ito sa kanyang karera, dahilan upang mas marami pa ang makapansin sa kanya.


Isa sa mga ito ang Cotton Club Apparel, na nakapuna sa magandang built niya kaya naman kinuha siya bilang bagong endorser nito.



“We want him, kasi ‘yung image na malinis, may disiplina sa katawan at talagang bagay na bagay sa kanya ang magsuot ng aming mga produkto!” sabi ni Joel Capulong, marketing manager ng Wellcome Global.


“Very thankful po naman ako,” natutuwang sabi ni Basa. “Bukod sa pag-aartista, napapakinabangan ko ang pag-aalaga ko sa katawan ko. Discipline and determination kasama ang tamang pagkain at regular na ehersisyo kaya nananatiling maganda ang aking katawan.”


Bukod sa nasabing endorsement, kasama rin siya pelikulang tumatalakay sa buhay ni San Pedro Calungsod na kasali sa Metro Manila Film Festival 2013.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Victor Basa, perfect para sa Cotton Club


No comments:

Post a Comment