Thursday, November 14, 2013

US Navy hospital ship, aalalay sa mga biktima ni ‘Yolanda’

WASHINGTON (Reuters)– Iniutos ng U.S. military ang pagpapakilos sa isang Navy hospital ship para sa ipadala sa Pilipinas sa Disyembre, sa pagpapaigting ng United States sa relief mission nito matapos salantain ang bansa ng bagyo, sinabi ng mga opisyal noong Miyerkules.



Ang USNS Mercy ay nagsimula nang maglayag at maaaring makarating sa loob ng tatlong linggo sa Pilipinas mula San Diego kapag tumigil ito sa Hawaii para magsakay ng mga karagdang tauhan at kagamitan, sinabi ng tagapagsalita ng U.S. military.


May kapasidad na lunasan ang daan-daang pasyente anumang sandali, magiging malaking tulong ang Mercy sa mga pagsisikap na gamutin ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa inaasahang mahabang pagbangon para sa Pilipinas.


“If ordered to deploy, Mercy would get underway in the next several days and could arrive in the Philippines sometime in December,” saad sa pahayag ng Pacific Fleet ng Navy.


Sa huling tala, umabot na sa mahigit 2300 ang mga nasawi sa kalamidad.


Noong Miyerkules, sinabi ng isang opisyal ng U.S. na bumibilis na ang relief operations.


“It’s been a very difficult first few days wading through some of these logistical obstacles – that’s not unusual in this kind of a crisis,” sabi ng opisyal, na tumangging magpabanggit ng pangalan. “We’re getting a better handle on that and feel like we’re starting to turn a corner.”


Makakasama ng Mercy ang iba pang pang barko ng U.S., kabilang na ang USS George Washington aircraft carrier, na inaasahang dumating na sa Pilipinas ngayong araw kasama ang USS Antietam at USS Cowpens, sinabi ng Navy. Naunang dumating ang mga destroyer na USNS Mustin at USS Lassen sa bansa, sinab ng Pacific Fleet ng Navy.


Ang iba pang U.S. vessels, kabilang ang amphibious ship na USS Ashland at USS Germantown, ay inaasahang darating sa Pilipinas sa loob ng isang linggo, ayon dito.


Ang bilang ng U.S. military personnel na nasa ground operation ay maaring mag-triple sa mahigit isanlibo ngayong linggo mula sa inisyal na mahigit 300 lamang, taya ng isang opisyal ng U.S.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



US Navy hospital ship, aalalay sa mga biktima ni ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment