Wednesday, November 13, 2013

UPDATE: 85 patay sa Guiuan, Samar

DAHIL sa tindi ng epekto ng bagyong Yolanda umabot sa 85 ang kumpirmadong namatay maliban pa sa mga nawawala habang halos 900 ang nasugatan.


Kinumpirma ni dating Guiuan, Eastern Samar Mayor Annaliza Kwan na narating na rin ng tulong ang kanilang lugar na matinding sinalanta ng bagyo.


Nabatid na ang bayan ng Guiuan na nakaharap sa Pacific Ocean ang unang lugar na tinamaan o nag-landfall ang bagyong Yolanda.


Dahil kulang pa rin sa pagkain, tubig at gamot, kinumpirma ni Kwan na unti-unti na ring nag-alisan ang mga kababayan sa kanilang lugar.


The post UPDATE: 85 patay sa Guiuan, Samar appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 85 patay sa Guiuan, Samar


No comments:

Post a Comment