Wednesday, November 13, 2013

UPDATE: 6 na patay sa mananakay na sinagasaan ng bus sa EDSA

ANIM katao na ang namatay habang 33 ang sugatan makaraang sagasaan ng isang bus bago bumangga sa isa pang bus sa loading bay sa EDSA-Magallanes southbound lane, kaninang umaga, Nobyembre 14.


Ito’y matapos bawian na rin ng buhay ang isa sa higit 30 sugatan.


Una nang kinumpirma ni Makati City Police Chief Manuel Lucban na ilang sandali matapos ang insidente ay lima ang namatay, na kinabibilangan ng apat na lalaki at babae.


May pagkakakilanlan na ang ilan sa mga ito ngunit uunahin munang ipaalam sa mga kaanak.


Sa limang nasawi, isa rito ay senior police officer (SPO1), welder, trabahador sa MIAA, isang senior citizen at isa pang hindi nakikilalang babae.


Mga nag-aabang lamang ng masasakyan ang mga nasawing biktima.


Sa inisyal na impormasyon, nakahimpil sa loading station ang isang MGP Trans (NXV 360) nang banggaain sa likuran ng Elena Liner (TXN 191).


Sa salaysay ng isang saksi na si Jade Guzman, mabilis aniya ang takbo ng Elena bus mula sa Ayala tunnel dahil nawalan ito ng preno dahilan upang mabangga ang bus at mga tao sa loading bay.


Pumailalim aniya ang mga biktima dahil nag-panic ang mga ito sa nakaambang pagsalpok ng bus.


Paniwala naman ng saksi, kung hindi binangga ng Elena bus ang MGP Trans unit, mas marami pang nadamay sa insidente.


Isinugod na sa ospital ang nasa 30 sugatan kabilang ang drayber ng Elena bus na halos mahati


May ilang sa mukha mismo ang tama habang ilan naman ang nagtamo ng minor injuries.


Hawak naman ng pulisya ang drayber ng MGP Trans.


Matinding trapik ang epekto ng insidente sa southbound lane.


Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.


The post UPDATE: 6 na patay sa mananakay na sinagasaan ng bus sa EDSA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 6 na patay sa mananakay na sinagasaan ng bus sa EDSA


No comments:

Post a Comment