Wednesday, November 13, 2013

UPDATE: 11 na patay sa agawan ng bigas sa Leyte

UMAKYAT na sa 11 ang patay matapos bumigay ang bahagi ng bodega ng National Food Authority (NFA) sa Alang-alang, Leyte.


Sinabi ni NFA Administrator Orlan Calayag na ni-ransack ng mga residente ang bodega noong Lunes ng gabi. Sa dami ng mga ito’y nag-collapse ang bahagi ng warehouse at nabagsakan ang ilang looters.


Aniya, bukod sa mga namatay ay may isa silang security guard na sinaksak at inaalam pa ang kondisyon ngayon.


“Ubos na ubos po ang stock natin, pati raw po ‘yung ibang gamit nadala na rin kahit hindi bigas.”


Sabi ni Calayag, 33,000 sako ng bigas ang tinangay bukod pa sa mahigit 90,000 sako ng palay.


Kinumpirma rin ng NFA administrator na gumamit ng trak at iba pang sasakyan ang mga looter para mahakot ang mga bigas.


Ang bodega pa lang naman aniya sa Alang-alang ang napasok ng mga biktima ng bagyo.


Sa ngayon, patuloy ang pagpapadala ng bigas sa Leyte.


The post UPDATE: 11 na patay sa agawan ng bigas sa Leyte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 11 na patay sa agawan ng bigas sa Leyte


No comments:

Post a Comment