Monday, November 25, 2013

UPDATE: 10 pang bangkay narekober sa Tacloban

MAY sampu na namang bangkay ang lumutang sa karagatan sa bahagi ng Barangay Tagpuro, Tacloban City makalipas ang mahigit dalawang linggo nang manalasa ang super typhoon Yolanda.


Sinabi ni Tacloban City Vice Mayor Jerry Yaokasin, na prayoridad ng lokal na pamahalaan na makuha ang naturang mga bangkay at ilibing sa mass grave sa Barangay Basper.


Maliban sa nabanggit na barangay may mga nagkalat ding mga bangkay sa Barangay Suhi ng lungsod na biktima din ng bagyo.


Kahapon lamang, nakarekober ang retrieval team ng 59 bangkay kasabay ng laban nina Manny Pacquiao at Brandon Rios.


Sa ngayon umaabot na sa 1,932 katao ang patay na naitala ng OCD Tacloban.


Nanawagan naman si DSWD Secretary Dinky Soliman sa task force sa Tacloban lalo na sa DPWH na magkaroon ng ugnayan sa Cadaver Collection at Debris Clearing and Cleaning dahil sa patuloy pa ring nakakarekober ng mga bangkay.


Sa kabuuan sa opisyal na record ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) nasa 5,235 na ang casualties sa nagdaang kalamidad.


Ang naturang bilang ay mula sa Region IV-A, Region IV-B, Region V, Region VI, Region VII, Region VIII na nasa 4,919, Region IX at Region XIII.


Ang missing ay umaabot pa sa 1,613 habang ang mga sugatan naman ay lumobo pa ang bilang sa 25,559.


The post UPDATE: 10 pang bangkay narekober sa Tacloban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 10 pang bangkay narekober sa Tacloban


No comments:

Post a Comment