Wednesday, November 6, 2013

Unang araw ng ‘Saudization’: 1,800 illegal workers arestado

Mahigit sa 1,800 illegal migrant worker mula sa iba’t ibang rehiyon ng Saudi Arabia ang naaresto sa unang araw ng inilusad ng crackdown ng awtoridad sa pagpapatupad ng “Saudization” program.


Base sa talaan ng Saudi authorities, umabot sa 1,899 katao na itinuturing na unregulated expatriate ang naaresto sa Jeddah; 2,200 sa Samta, 379 sa Eastern Province, 208 sa Baha, 150 sa Tabuk, 85 sa Yanbu, at 80 sa Hafar Al-Batin.



Wala pa ring kumpirmasyon mula sa Department of Foreign Affairs kung may Pinoy na kabilang sa mga naaresto ng Saudi authorities.


Base sa pahayag ni Nawaf al-Bouq, tagapagsalita ng Jeddah Police, sinalakay noong Lunes ng mga inspector na pinangungunahan ni Maj. Gen. Abdullah Al-Qahtani ang mga pampublikong lugar at plaza kung saan regular na nagtitipun-tipon ang mga illegal migrant.


Puntirya rin ng mga tauhan ng Jeddah Police ang mga establisimiyento kung saan posibleng nagtatago ang ilang illegal migrant na pinoprotektahan ng kani-kanilang amo.


Samantala, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. na binigyan na ng pahintulot ni Pangulong Aquino si Department of Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario upang kumuha ng mga Saudi lawyer bilang kinatawan ng mga overseas Filipino worker na maaaresto sa ipinatutupad na crackdown ng Saudi government.


Sinabi pa ni Coloma na isang lupon na pinangungunahan ni DFA Undersecretary Jesus Yabes at Department of Social Welfare and Development Undersecretary Parisya Taradji ay kasalukuyang nasa Saudi Arabai upang alamin ang kondisyon ng mga undocumented Pinoy sa bansa. – Nina Roy Mabasa at Madel Sabater-Namit


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Unang araw ng ‘Saudization’: 1,800 illegal workers arestado


No comments:

Post a Comment