Monday, November 4, 2013

Uichico, problemado sa Sinag Pilipinas

Umaasa si Sinag Pilipinas men’s basketball team coach Joseph “Jong” Uichico na bibigyang prayoridad ng may-ari ng mga propesyonal na ballclub ang interes ng Pilipinas sa pagpapahiram nito sa mga miyembro ng kasalukuyang binuong pambansang koponan para sa nalalapit na 27th Southeast Asian Games sa Naypyitaw, Myanmar.



Ito ay matapos na tatlong pangunahing miyembro ng Sinag Pilipinas na pilit ipagtatanggol ang iniuwi nitong gintong medalya noong 2011 SEA Games ang tuluyang naging propesyonal matapos na mapili sa isinagawang draft ng ligang Philippine Basketball Association (PBA) noong Linggo.


Ang tatlo ay sina Raymond Almazan na kinuha ng Rain Or Shine at sina RR Garcia at Terrence Romeo na napunta naman sa Global Port.


“Papakiusapan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga teams na kumuha sa kanila. We hope na for the interest of our country ay payagan sila na makasama dahil matagal na rin silang nagbuhos ng oras at panahon sa pagdalo sa mga praktis namin,” sabi ng premyodong coach sa PBA na si Uichico


Inaasahan ng SBP na makukumbinsi nila ang mga koponan na kumuha sa mga manlalaro bagaman mas mauuna na magsimula ang PBA na isasagawa ang All-Filipino Cup sa ika-38 taon nito simula sa Nobyembre 17.


“Actually, we invited 19 names of which good as in na sa ating mga nasa cadet pool. There is one concern with regards to the players who are joining the PBA draft. Plano namin na makiusap sa kukuhang team na sana ay ipahiram muna nila kung pupuwede,” sabi ni SBP executive director Renauld “Sonny” Barrios.


Pinangungunahan ni Gilas Pilipinas center Marcus Douthit ang koponan na binubuo din nina Jake at Kyle Pascual, Garvo Lanete, Kevin Louie Alas, Matt Rosser Ganuelas, Kiefer Ravena, Chris Newsome, Mark Belo at Roi Sumang.


Ang iba pang inimbitahan ay sina Christopher Banchero, Jericho Cruz, Kevin Ferrer, Bobby Ray Parks, Arnold Vanopstal, Raymond Almazan, Prince Caperal.


Ang huling Sinag Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya noong 2011 Indonesia SEA Games y binubuo naman nina team captain Chris Tiu, Eman Monfort, Chris Ellis, RR Garcia, Bobby Ray Parks, Greg Slaugther, David Marcelo, Jake Pascual, Clifford Hodge, Garvo Lanete, NIco Salva at Kiefer Ravena.


Kabilang din sa koponan bilang reserba sina Jeric Fortuna at Jeric Teng. (Angie Oredo)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Uichico, problemado sa Sinag Pilipinas


No comments:

Post a Comment