Saturday, November 16, 2013

UAAP, aayuda sa ‘Yolanda’ victims

Ilalarga ng University Athletic Association ang Philippines (UAAP) ang Season 76 second semester action na may makabagbag damdaming turnover ng kanilang donasyon para sa mga biktima ng super typhoon ‘Yolanda’ sa opening ceremony ng volleyball sa Disyembre 1 sa Smart Araneta Coliseum.



Isang araw bago ang Nobyembre 30, magtatambal ang Season 76 host Adamson University at Malolos City local government, sa pamamagitan ni Mayor Christian Natividad, upang isagawa ang fund-raising exhibition basketball match sa pagitan ng Soaring Falcons at Philippine Basketball Association Legends sa pamumuno ni ex-Adamson stars Kenneth Duremdes at Marlou Aquino. Ang proceeds ng event na itinakda sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa Malolos City gym ay para rin sa ‘Yolanda’ victims.


Itinakda ang appropriate ceremonies para sa volleyball competitions ng UAAP ngunit ayon kay Season 76 secretary-treasurer Malou Isip ng Adamson University, mas hinangad pa nila ang inspirational twist sa pagkakaloob ng liga ng ‘di bababa sa P300,000 sa cash donation sa ABS-CBN’s Sagip Kapamilya.


Sa ganap na alas-2:00 ng hapon, bubuksan ang second semester volleyball action sa pagitan ng nakaraang taong runner-up na Ateneo na susubok sa kanilang rookie-laden roster kontra kina Dindin at Jaja Santiago-led National University (NU) at “Four-Peatseeking” De La Salle laban sa darkhorse Adamson University sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa main game.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



UAAP, aayuda sa ‘Yolanda’ victims


No comments:

Post a Comment