Sunday, November 10, 2013

‘Typhoon effect’ ibinabala ng MTRCB

IBINABALA ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa media networks, lalo na sa nasa telebisyon na maging sensitibo sa pagpapakita ng mga footage ng mga naapektuhan ng bagyo, lalo na ang mga kuha sa mga bangkay ng mga nasalanta.


Ayon kay MTRCB chairman Toto Villareal, bagama’t nauunawaan nila ang intensyon ng ilang mamamahayag, posible naman itong magdulot ng dagdag na trauma at pangamba sa mga kaanak na hindi pa rin ma-contact ang kanilang mga mahal sa buhay.


Payo ng ahensya, ikonsidera sana ng media organizations ang iba’t-ibang aspeto bago isapubliko ang maseselang kuha dahil sa pangmatagalang epekto nito sa mga makapapanood, lalo na sa mga bata.


The post ‘Typhoon effect’ ibinabala ng MTRCB appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Typhoon effect’ ibinabala ng MTRCB


No comments:

Post a Comment