Tuesday, November 5, 2013

Toronto mayor, nag-sorry

TORONTO (AP) — Humingi ng tawad si Toronto Mayor Rob Ford noong Linggo sa “a lot of stupid things” at aminadong kailangan niyang bawasan ang pag-iinom ng alak, ngunit hindi sinagot ang mga alegasyong gumagamit siya ng droga at nanindigang magpapatuloy siya sa pamumuno sa pinakamalaking lungsod sa Canada sa kabila ng mga panawagang magbitiw na siya.



“I’m going to weather this storm,” aniya.


Ginawa ni Ford ang pahayag sa kanyang local weekly radio show tatlong araw matapos sabihin ng pulisya na nakakuha sila ng kopya ng video na nagpapakita sa mayor na sumisinghot ng cocaine.


Noong Linggo inamin ni Ford na siya ay nagkasala ngunit tumangging magbitiw. “I sincerely apologize, there’s absolutely no excuse, no one to blame but myself,” aniya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Toronto mayor, nag-sorry


No comments:

Post a Comment