Tuesday, November 5, 2013

Timberwolves, ‘di nakaporma sa Cavaliers

CLEVELAND- Nagposte si shooting guard C.J. Miles ng 19 puntos at 5 rebounds upang tulungan ang Cavaliers sa 93-92 panalo laban sa Minnesota Timberwolves, natamo ang unang pagkatalo sa season, sa Quicken Loans Arena kahapon.


Kinonekta ni Miles ang 8-of-13 mula sa field at 3-of-5 mula sa 3-point line.


Nag-ambag si point guard Kyrie Irving ng 15 puntos, 8 rebounds at 6 assists, kung saan ay natapyas ng Cavs (2-2) ang two-game losing streak.



Pinamunuan ni free-agent acquisition Kevin Martin ang lahat ng scorers patungo sa kanyang 23 puntos para sa Timberwolves (3-1), naglaro ng matindi at makalaglag-sahig na pagsagupa kontra sa New York noong Linggo.


Nagsimula naman ng mabagal ang power forward na si Kevin Love, umentra sa laro na pinangungunahan ang liga sa scoring (29.7 points per game) at ikalawa sa rebounding (14.7). Ngunit tumapos pa rin siya na mayroong 17 puntos at 13 rebounds.


Naimintis ni Love ang potential game-winning 3-pointer sa pagtatapos ng buzzer nang lumabas sa rim ang bola.


Nailapit ng Wolves ang 23-point deficit sa 3 puntos na lamang sa nalalabing 1:16 sa nasabing laro, 93-90, mula sa layup ni small forward Corey Brewer.


Ang layup ni Love, may 35.9 segundo na lamangf sa orasan, ang nagdala sa Wolves sa 1 puntos na pagkaiwan na lamang, 93-92.


Nagkaroon ang Cavs ng walong turnovers sa fourth quarter, ngunit nakayanan pa ring pigilan ang Wolves mula sa 31-17.


Nagsalansan si Cavs center Anderson Varejao ng 12 puntos at rebounds, habang nagdagdag si power forward Tristan Thompson ng 12 puntos at 11 rebounds.


Naitarak ng Cavs ang 45.9 percent sa shooting mula sa field, kumpara sa 36.2 percent ng Wolves. Na-outrebounded ng Cavs ang Minnesota sa 49-43.


Inasinta naman nina Brewer at power forward na si Derrick Williams ng tig-13 para sa Wolves.


Kinubra ng 6-foot-10, 243-pound na si Love ang 12 puntos at 10 rebounds makaraan ang tatlong quarters, habang napag-iiwanan pa noong ang Wolves, 76-61.


Ibinuslo ni Cavs center Andrew Bynum ang 8 puntos at 3 rebounds sa loob ng tatlong quarters. Naglaro siya ng mas maraming minute sa kasagsagan ng tatlong quarters noong Martes kaysa sa sa kanyang nagawa sa dalawang nakaraang laro.


Tumapos ito na mayroong 10 puntos at 4 rebounds sa 17 minutong paglalaro.


Umiskor si Miles ng 10 magkakasunod na puntos para sa Cavs sa second quarter. Umungos ang Cavs sa 16 puntos, 47-31, sa kalagitnaan ng ikalawang quarter.


Lumamang sila sa 55-38 sa halftime.


Diniskaril nila ang Wolves sa boards, 27-12.


Ang lahat ng Wolves starters ay naglaro ng 40 minuto noong Lunes sa New York.


Tumikada si Miles ng 12 puntos sa halftime at nag-ambag si Varejao ng 10 puntos at 4 rebounds.


Ipininta ni Ohio native Martin ang 16 puntos sa Wolves. Taglay nito ang 4-for-5 mula sa 3-point arc sa unang half.


Naimarka ni Bynum ang kanyang season high sa unang quarter na mayroong agarang 6 na puntos. Taglay nito ang 4-for-4 mula sa foul line.


Ikinasa ni Irving ang 7 puntos, 3 rebounds, 4 assists at 1 steal sa unang quarter upang tulungan ang Cavs sa 31-23 advantage.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Timberwolves, ‘di nakaporma sa Cavaliers


No comments:

Post a Comment