Tuesday, November 19, 2013

Tigilan na ang sisihan—UN official

Hindi dapat natin hayaang mawala ang diwa ng “bayanihan.”


Ito ang panawagan ng mga kinatawan ng United Nations, na kasalukuyang nasa bansa upang mag-inspeksiyon sa pinsalang dulot ng pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’.


Anila, hindi ito ang panahon upang magsisihan at magturuan.



“We have to think of those people who have died and unfortunately there’s not much that we can do except to offer them a dignified burial without entering into a debate of how many of them have died,” sabi ni Bernard Kerblat, country representative ng UN High Commissioner for Refugees.


“That spirit (of bayanihan) must be preserved, strengthened and it should continue to exist in support of the survivors,” aniya.


Iginiit ni Kerblat na ang UN at iba pang international humanitarian agency ay nasa bansa upang tumulong sa relief efforts ng gobyerno ng Pilipinas.


Sa lawak ng sinalanta ng bagyong Yolanda, sinabi ni Kerblat na hindi lang buwan kundi taon ang bibilangin upang maibangon ang Visayas. – Roy Mabasa


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tigilan na ang sisihan—UN official


No comments:

Post a Comment