Monday, November 18, 2013

Tent City sa Pasay, bubuksan para sa ‘Yolanda’ victims

BUBUKSAN ngayong araw ang malaki at malawak na tent city sa Villamor Airbase, Pasay City upang gawing pansamantalang silungan ng mga residenteng sinalanta ng bagyong Yolanda na lumikas mula sa Samar at Leyte provinces.


Ayon sa kay City Mayor Antonino Calixto Pipinarating, alas-2:30 ng hapon mamaya ay sisimulan ang proyekto na dadaluhan ng ilang opisyal at private individuals na tumulong sa nasabing programa.


Nabatid na kayang mag-accommodate ng tent city ng humigit kumulang sa 100 pamilya na may maximum members na lima katao.


Sa ngayon ay libu-libong typhoon survivors na ang lumuwas ng Metro Manila upang takasan ang matinding kalamidad na sinapit ng kanilang mga lugar sa Samar at Leyte.


Bukod dito, naglaan din ang pamahalaang lokal ng relief goods para ipamahagi sa mga survivor ng super typhoon.


The post Tent City sa Pasay, bubuksan para sa ‘Yolanda’ victims appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tent City sa Pasay, bubuksan para sa ‘Yolanda’ victims


No comments:

Post a Comment