Monday, November 11, 2013

Team ACS, pinatalsik ang PL Antipolo sa 3rd DELeague Cup

Laro ngayon (Marikina Sports Center):

7pm — Hobe Bihon vs. ACS Team


Tinalo ng ACS Team ang PL Antipolo, 95-92, Linggo ng gabi para makuha ang karapatang makasagupa ang Hobe Bihon sa isang playoff game na gaganpin ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 3rd DELeague-Kap. Rudy Francisco Cup sa Marikina Sports Center.



Ang mananalo sa laro sa pagitan ng ACS Team at nagdedepensang kampeong Hobe Bihon ay awtomatikong uusad sa semifinal round habang ang matatalo ay dadaan sa Group A quarterfinal round na mag-uumpisa sa Huwebes.


Matapos makaiskor ni Roger Pugoy para bigyan ng 92-85 kalamangan ang PL Antipolo, may 1:10 na lang ang natitira sa laro, ay hindi na nakapagbuslo pa ang PL Antipolo habang nagsagawa naman ng 10-0 run ang ACS Team kabilang ang tira ni Paul Santiago na nagbigay ng 94-92 kalamangan para sa nagwaging koponan.


Tinapos ni Santiago ang laro na may 22 puntos habang ang PL Antipolo ay pinangunahan ni Mac Belo na may 34 puntos at walong rebounds.


Nauna nang nakasungkit ng outright semis spot ang Sta. Lucia Grand Mall na winalis ang Group B sa kartadang 5-0. Magkakaroon sila ng twice-to-beat advantage sa semifinal round ng ligang itinataguyod ni Mayor Del De Guzman at sinusuportahan rin ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc., St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp., The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng Taga Malabon, at Villaronar Resort.


Samantala, pumasok naman sa quarterfinals ang FEU-NMRF matapos nitong tambakan ang Galing MHS, 80-60, noong Sabado ng gabi sa nasabi ring venue.


Matutunghayan ang mga laro ng DELeague tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo simula ika-7 ng gabi sa Marikina Sports Center. Mabibili ang ticket sa halagang P10. Sundan ang mga resulta ng mga laro sa http://sports29.com. (Angie Oredo)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Team ACS, pinatalsik ang PL Antipolo sa 3rd DELeague Cup


No comments:

Post a Comment