Thursday, November 7, 2013

Taxi driver, oobligahing magpakita ng ID credentials

Taxi Driver ID


Ni Kris Bayos


Oobligahin na ng gobyerno ang mga taxi drive na ilantad ang kanilang identification credentials sa kanilang sasakyan dahil sa dumaraming reklamo ng pang-aabuso sa mga pasahero, kabilang ang pag-spray ng droga upang sila ay mawalan ng malay.



Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Winston Ginez na magpapalabas din ang ahensiya ng isang memorandum na magaatas sa mga taxi driver na huwag paganahin ang child-lock ng kanilang unit na karaniwang ginagamit bilang instrumento sa krimen.


“We are just firming up the memorandum circular that will require drivers to secure an ID that will be conspicuously displayed inside the vehicle. Violation thereof will be a violation both of the taxi driver and operator,” sabi ni Ginez.


“The child-lock is also prohibited (now) and we will require operators to disable this mechanism so that it will not be used as a means to commit crime,” dagdag niya.


Magpapalabas ng LTFRB ng karagdagang regulasyon sa operasyon ng taxi matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga babaeng pasahero na sinabing sila ay sinabuyan ng droga ng driver.


Partikular na tinukoy ng three-man investigation board ang salaysay ni Marilou Bernardo na biktima ng naturang modus operandi habang sakay ng Dad’z Taxi (UVW-243) noong Oktubre 20. Sa harapan ng taxi operator ng Dad’z, sinabi ni Bernardo sa mga opisyal na may ginamit na spray sa kanya ang driver ng taxi bago siya nakaramdam ng pagmamanhid sa katawan.


Pinalad naman ang biktima na makababa sa taxi sa isang gasolinahan at maipaskil ang kanyang mapait na karanasan sa Facebook. Isa pang driver, na nakilalang si Roland Allan “PJ” Kelly” ang inireklamo ng isang babaeng pasahero na biktima rin ng kahalintulad na modus, subalit nabigong sumipot sa pagdinig ang una.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Taxi driver, oobligahing magpakita ng ID credentials


No comments:

Post a Comment