Thursday, November 7, 2013

Tanod na babae binaril sa Malabon utas

PATAY ang isang babaeng tanod matapos patraydor na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Gozon Compound Letre Tonsuya Malabon City.


Dead on spot si Lilibeth Mandares, 50, tanod at residente sa nasabing lugar.


Mabilis na tumakas ang suspek patungong looban ng nasabing compound dala ang ginamit na baril.


Ayon sa ulat, alas-12:00 ng tanghali kahapon nang patraydor na barilin ang biktima sa Gozon compound.


Mag-isang naglalakad ang biktima nang walang sabi-sabing binaril sa likuran na agaran nitong ikinasawi.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang empty shell ng di pa batid na kalibre ng baril.


The post Tanod na babae binaril sa Malabon utas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tanod na babae binaril sa Malabon utas


No comments:

Post a Comment