Wednesday, November 20, 2013

Tanod bulagta sa barangay outpost

ISA na namang tanod ang pinatay sa loob mismo ng barangay outpost sa Quezon City kaninang madaling-araw, Nobyembre 21.


Isang tama ng bala ng kalibre 45 ang umutas sa buhay ng biktimang si Agapito Alora, 48, tanod ng Barangay Commonwealth.


Blangko naman ang QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang pumatay sa biktima.


Sa ulat ng CIDU, naganap ang insidente dakong 1 ng madaling-araw sa isang barangay outpost na nasa kanto ng St. Andrew at St. Anthony Streets sa Barangay Commonwealth.


Ayon sa saksing si Terry Magno, basta na lamang dumating ang suspek at sinabihan siyang dumapa sa sahig habang hinahanap ang kanyang target.


Nang malaman na nasa kusina ang biktima, dumiretso ito roon at pinagbabaril si Alora.


Sinabi naman ni Barangay official Benjamin Berriber na noong nakaraang buwan lamang ay binaril na rin at napatay ang isa pang tanod.


Hinala ni Berriber na ang pamamaril ay may kaugnayan sa trabaho ng mga biktima na kapwa taga-bantay sa lugar.


Dahil dito, sinabi ni Berriber na hihingi sila ng tulong sa kapulisan para bantayan ang lugar upang hindi na maulit ang insidente.


The post Tanod bulagta sa barangay outpost appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tanod bulagta sa barangay outpost


No comments:

Post a Comment