Wednesday, November 20, 2013

TAKOT KANG MAPAWISAN

Ipagpatuloy natin ang mga bagay na magpapalala sa iyong sakit (kung mayroon ka ngang nararamdamang kakaiba sa iyong kalusugan), ayon sa mga eksperto.


Maraming doktor ang makapagsasabi na mahirap kontrolin ang paulit-ulit na kirot at hapdi na nararamdaman. Ang paulit-ulit na kirot ay pinaniniwalaan ngayon bilang isang sakit din at hindi sintomas, at ang paggamot nito ayi hindi lamang ang piangmumulan ng kirot kundi ang buong katawan ng tao. Paano pinalalala ang sakit? Anang isang doktor:



  • Takot kang mag-exercise. – Ito ang hindi mo talaga gagawin kapag may nararamdaman kang sakit, ngunit ayon sa mga dalubhasa, nababawasan ang lahat ng uri ng hapdi or kirot kapag nag-ehersisyo ka. Pinatitibay nito ang iyong muscles at waring nilalagyan nito ng langis ang iyong mga kasukasuan upang makakilos ka nang maayos. Nagre-release din ito ng natural na endorphins na nakaaalis ng kirot na maaaring makapagbigay sa iyo ng sigla. Nilalabanan din nito ang pamamagana na kaugnay ng masasakit na kondisyon tulad ng gout at arthritis. Payo ni Doc: Simulan mo sa mabagal or mahina ang iyong exercise lalo na kung matagal ka nang walang masiglang pisikal na aktibidad. Maaari mong simulan ang paglalakad ilang minuto bawat araw. Puwede ka ring mag-swimming.

  • Iniisip mo agad ang magpapaopera. – Maaari ngang maisip mo na pinakamahusay na option ang magpaopera kung halimbawa ang hapding nararamdaman mo ay nasa iyong likod. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pagpapaopera para mawala ang hapdi sa likod nang walang kahit na anong ebidensiya ng nerve pressure halimbawa ay kakaunti lang ang ginhawang naidudulot kumpara sa isang rehabilitation program. Sa operasyon, maaaring lumala ang sakit dahil sa impeksiyon, pagsusugat, at pagkasira ng nerves. Payo ni Doc: Subukan ang mga pain reliever, physical therapy, or mag-exercise muna. Upang gumaling ang back pain, halimbawa, subukan ang kombinasyon ng tatlong paraang nabanggit sa loob ng anim na buwan bago pag-usapan ang pagsasailalim sa operasyon. Maraming pasyente ang bumubuti ang pakiramdam sa rehabilitasyon at hindi na sumasailalim sa operasyon. Maaaring pag-usapan ninyo ng iyong doktor kung paano mapaiigsi ang rehabilitation program.


Sundan bukas.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



TAKOT KANG MAPAWISAN


No comments:

Post a Comment