Tuesday, November 26, 2013

TAGUIG DAPAT BANTAYAN NG COA

DOUBLE effort dapat ang Commission on Audit (COA) sa pagbabantay sa Lungsod ng Taguig lalo’t napapabalitang may plano umanong tumakbo sa mas mataas na posisyon itong si Sen. Alan Cayetano.


Sa hindi pa nakaaalam, ang misis ni Alan Cayetano na si Lani ang kasalukuyang alkalde ng Taguig, na kung saan mayroon itong budget ngayong 2013 na mahigit P5 bilyon.


Dahil sa laki ng budget na nabanggit, nahahanay na sa Big 5 ang Taguig sa may pinakamalalaking pondo sa mga lungsod ng Metro Manila.


Ang laki ng pondong ito ngayon kaya’t ito ang dahilan kung bakit gusto itong pabantayan ng mamamayan ng Taguig sa COA dahil posible raw itong magamit sa darating na eleksyong pangnasyunal.


Sa maikling salita, pwede raw itong maging main source ng pondo ng mga Cayetano kapag tumuloy sa 2016 lalo pa’t idineklara na ng Supreme Court na iligal ang Priority Development Assistance Fund.


Ang pagkawala ng PDAF o pork barrel ang lalo pang nagpatingkad sa isyu ng paghihinala dahil wala naman daw malaking negosyo ang mga Cayetano na pwede nilang ipangalandakan na rito galing ang perang posible nilang gamitin sa 2016.


Mga seryosong bagay na dapat ikonsidera ng COA at mamboboto dahil sawang-sawa na ang lahat sa trapo.


Magugunitang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga Cayetano at Binay dahil natalo ang Taguig sa kaso hinggil sa pagmamay-ari ng Fort Bonifacio na kung saan malaking porsiyento ng budget sa balwarte ng mga Cayetano ay nanggaling dito.


Ilang ulit na ring kinuwestiyon ng mga Tinga at kapanalig nito sa Konseho ang panggigipit ng mga Cayetano sa kanila matapos liitan nang husto ang kanilang MOOE.


Binatikos din ng mga konsehal na kagrupo ni Tinga ang hindi patas na pagtingin ng mga Cayetano sa pagbibigay ng tulong o budget sa mga konsehal dahil madalas umanong nakaaangat sa partihan ang kanilang mga kapanalig.


Ito’y sa kabila ng pagiging galit ng asawa ni Mayor Lani kay Enrile matapos silang apihin sa partihan ng budget o savings ng Senado.


The post TAGUIG DAPAT BANTAYAN NG COA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TAGUIG DAPAT BANTAYAN NG COA


No comments:

Post a Comment