Monday, November 25, 2013

Tacloban airport, nangangapa pa rin sa dilim

MAHIGIT dalawang linggo matapos bayuhin ng super typhoon Yolanda (Haiyan) ang Visayas at Southern Luzon, nangangapa pa rin sa dilim ang operasyon ng Tacloban City airport.


Wala pa ring kuryente hanggang ngayong araw, Nobyembre 26, maliban sa ilan na vital areas, ang mga airport personnel ay mano-mano na inilalatag ang check-in at security procedures.


Imbes public address systems ay mega phones ang ginagamit habang ang posters ng nawawalang indibidwal ay naka-plaster sa airport’s posts imbes na naka-flash sa TV monitors.


Imbes naman na running baggage sa pamamagitan ng isang X-ray machine, mano-mano rin na hinahalughog ng airport security ang mga laman ng bagahe.


Sinabi naman ng isang airport na may inaasahan na silang generator para magsimula ang powering key systems ngayong linggo.


Hanggang ngayon, ang computers na ginagamit sa pagkukupirma ng flight schedules at bookings ay nagmumula ang kuryente sa kalapit na Civil Aviation Authority of the Philippines office.


The post Tacloban airport, nangangapa pa rin sa dilim appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tacloban airport, nangangapa pa rin sa dilim


No comments:

Post a Comment