Monday, November 18, 2013

Supply ng tubig sa Tacloban, naibalik na

Bumalik na sa normal ang supply ng tubig sa Tacloban City, ang isa sa mga lugar sa Leyte na sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’ noong nakaraang Nobyembre 8.


Ito ang inihayag ng opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na si Byron Carbon.



Ayon sa kanya, naiayos na ang water treatment plant sa sa bayan ng Pastrana na nagbibigay ng tubig sa Leyte Metropolitan Water District (LMWD).


Ipinaliwanag nito na naka-standby ang aabot sa 3,000 litro ng krudo na ibinigay ng United Children’s Fund (Unicef) upang matiyak ang patuloy na operasyon ng water treatment plant.


Aniya, nalagyan na ng chlorine ang mga pipeline ng tubig bukod pa ang umiikot na mobile testing units ng LWUA upang matukoy ang kalidad ng tubig sa lugar.


Kaugnay nito, nanawagan din ang LWUA sa mga residente sa lugar na huwag sirain ang mga water pipeline dahil sila (residente) rin ang makikinabang sa mga ito.


Tumulong na rin sa pagpapalawak ng water treatment plant ang Japan International Cooperation Agency (JICA), na nagpadala ng mga pasilidad sa Basey sa Samar, na nasira ng bagyo ang water facility roon. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Supply ng tubig sa Tacloban, naibalik na


No comments:

Post a Comment