Wednesday, November 20, 2013

Supplemental budget pamalit sa PDAF – Drilon

Imbes na maglaan ng P30 bilyong pondo para sa mga biktima ng bagyong “Yolanda,” hinikayat ni Senate President Franklin Drilon ang Kongreso na agad na aprubahan ang isang supplemental budget sa General Appropriations Act of 2013 para sa rehabilitasyon ng Leyte at ibang lugar na nasalanta ng kalamidad.



Ayon kay Drilon, dapat kunin ang supplemental budget mula sa P14.5 billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) na hindi na maaaring galawin matapos ideklara ng Korte Suprema ang PDAF na unconstitutional.


Aniya, dapat ideklara ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kanyang Senate Bill No. 1938 para agad na mapondohan ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar.


“I am asking our President to certify this proposal as urgent. I will talk to House Speaker (Feliciano) Belmonte within the day,” pahayag ni Drilon.


Sinabi pa ng mambabatas na mahalagang maipasa ng Kongreso ang panukala bago mag-expire ang GAA of 2013 sa Disyembre 31, 2013.


“I think it can be done in a while, a couple days and we will suspend the debates on the 2014 budget once the House passed its version,” sabi ng lider ng Senado.


Samantala, inihayag din ni Drilon na hindi siya pabor sa panukalang pagtatatag ng Yolanda Commission upang mapabilis ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar sa Visayas. – Hannah L. Torregoza


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Supplemental budget pamalit sa PDAF – Drilon


No comments:

Post a Comment