Monday, November 11, 2013

Suplay ng bigas sapat sa sinalanta bagyo

IPINAGMALAKI ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang inimbak na bigas ng ahensya sa kabila ng mga ulat na kinakapos ang suplay nito.


Kasabay nito, ipinag-utos ng National Food Authority (NFA) na paigtingin ang distribution efforts ng bigas sa mga malubhang sinalanta ng bagyong Yolanda.


Ayon kay NFA administrator Orlan Calayag, inatasan na niya ang kalapit rehiyon sa Regions 4,5,6 at 7 na dagdagan ang stocks ng bigas sa Region 8 o sa Tacloban-Samar area na sentro ng bagyo.


Samantala, sinabi naman ni Agriculture Sec. Proseso Alcala, na sapat ang imbak na bigas ng ahensiya taliwas sa lumalabas na balita na kinukulang na ng suplay ang pamahalaan.


The post Suplay ng bigas sapat sa sinalanta bagyo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Suplay ng bigas sapat sa sinalanta bagyo


No comments:

Post a Comment