Monday, November 25, 2013

Superbook benefi t run, hahataw sa Disyembre 14

Tumakbo at tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng pagsali sa unang Superbook benefit fun run na tinawag na “READY… GIZMO… GO!” sa Disyembre 14 sa Bonifacio Global City.


Magsisimula ang warm up sa ganap na alas-4:30 ng umaga habang ang official gun start para sa 10K run ay sa alas-6:00 ng umaga.



Sumalo sa Gizmo, ang Superbook agents at iba pang Superbook lovers kung saan ay gagawin itong, “every kilometer count” para makakalap ng pondo para sa disaster relief operations ng Operation Blessing, ang humanitarian arm ng CBN

Asia. Naitakda na ng Operation Blessing (OB) teams ang base camp si pinakaapektuhan ng super typhoon ‘Yolanda’ kung saan ay namamahagi na sila ng relief goods, nagsasagawa ng medical missions at trauma counseling.


Mabebenipisyuhan din sa ang CBN Asia Prayer Center, Asian Center for Missions at CBN Asia Media (The 700 Club Asia, Superbook at Tanikala). Ang Superbook ang nanguna sa fun run kung saan ay naging matagumpay ang kanilang unang season na sinaksihan ng 20 million viewers.


Naniniwala ang Superbook’s “Bida ng Pagbabago Advocacy” sa empowering ng mga musmos na bata ngayon. Hanggang bata pa sila, magiging handa silang impluwensiyahan at maging halimbawa sa kanilang mga kaibigan, pamilya at komunidad.


“The effect of Superbook on the family has been amazing. Through Superbook and the adventures of Gizmo, Chris and Joy, more and more children have developed the joy of Bible-reading and have become heroes of change by showing positive difference at home, in school and their community. Superbook also empowers parents to introduce positive values to their children in a fun way and it has become a catalyst for families to become closer and to grow in love and faith,” pahayag ni Icko Gonzalez, ang Superbook Project Head sa Pilipinas.


Makibahagi sa Superbook at tulungan ang mga kababayan sa Visayas, sa pamamagitan ng kanilang “Bida ng Pagbabago Advocacy!” Iniimbitahan ng Gizmo ang lahat, partikular ang mga musmos na bata na magpartisipa sa “Ready… Gizmo… Go!” Fun Run at tumulong sa mangalap ng pondo para sa CBN Asia Family of Ministries.


Ang mga magpapartisipa ay pwedeng pumiling sumali sa sumumusunod na categories, ang 1K, 3K, 5K o 10K. Ang categories at registration fees are ay ang sumusunod: 1KP300.00 (inclusive ng singlet, race bib, exclusive Ready…Gizmo… Go! baller), 3K – P400.00 (inclusive ng singlet, race bib, exclusive Ready… Gizmo…Go! baller, medal), 5K- P500.00 (inclusive ng singlet, race bib, exclusive Ready…Gizmo…Go! baller, medal), 10K- P600.00 (inclusive ng singlet, race bib, exclusive Ready…Gizmo… Go! baller, medal at finisher’s shirt) Ang pagpapatala ay bukas hanggang Disyembre 9.


Upang makasali sa “Ready… Gizmo… Go!” Fun Run, bumisita sa mga sumusunod na venues para sa rehistrasyon at babayaran para makuha na rin agad ang inyong specially-designed race kit: CBN Asia Head Office – Sagittarius Bldg., HV Dela Costa St., Makati City, House of Praise (HOP) Robinsons Galleria and St. Francis Square, Ortigas, ADSTRATWORLD Holdings Inc. Head Office – 99 Magsaysay St., EDSA Guadalupe Nuevo, Makati City, Brooks SM North EDSA, Toby’s Sports Branches sa Glorietta 2, Shangri-La Plaza at Trinoma at RUNNR Branches sa Alabang Town Center at Bonifacio Global City.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Superbook benefi t run, hahataw sa Disyembre 14


No comments:

Post a Comment