Tuesday, November 5, 2013

Super typhoon papasok sa PAR bukas

Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa pang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na posibleng maging super typhoon pagpasok nito sa bansa.


Paliwanag ni weather specialist Jun Galang ng PAGASA, ang nasabing bagyo (international code: “Haiyan”) ay tatawaging “Yolanda” pagpasok nito sa bansa sa Huwebes.



Kapag tuluyang pumasok sa PAR, ito na ang pang-24 na bagyong hahagupit sa Pilipinas.


Aabot sa halos 100 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin ni “Haiyan” at mabilis na kumikilos papasok ng PAR.


Sa pagtaya ng PAGASA, kapag nakapasok na ito ng bansa, tatamaan nito ang Eastern Visayas at Bicol area sa Biyernes bago lalabas sa pagdaan ng Palawan.


Nilinaw ng ahensya na ang bagyo ay makaaapekto pa rin sa Metro Manila na makararanas ng pag-ulan.


Pinayuhan din ng PAGASA ang mga residente, partikular sa eastern seaboards ng bansa, mula Northern Quezon, Bicol Region at Northeastern Mindanao na paghandaan ang pagpasok ng bagyo. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Super typhoon papasok sa PAR bukas


No comments:

Post a Comment