Wednesday, November 13, 2013

SUPER BODY

Kaakibat ng matinding problema ng ating mga kababayang biktima ni Yolanda at Zoraida ang pagkawala ng trabaho o employment; nawasak ang pinapasukan nilang mga negosyo at matatagalan pa upang sila ay makakita ng mapapasukan.



Ganito rin ang kagipitang gumigiyagis sa ating mga kababayang OFWs na nahaharap sa deportasyon dahil sa kanilang pagiging illegal migrant workers; libu-libo ang tinutugis at ipinakulong ng mga awtoridad ng Saudi Arabia dahil sa paglabag nila sa labor ang residency laws. Walang magawa ang ating gobyerno kundi pabilisin na lamang ang pagpapauwi sa naturang mga OFWs.


Ang nabanggit nating mga kababayan na mawawalan ng hanapbuhay ay tiyak na maidadagdag sa 11.2 unemployed na hanggang ngayon ay tila ipinagwawalang-bahala ng administrasyon. Ngayon ang pinakaangkop na pagkakataon upang bumuo ng isang Super Body na walang ibang misyon kundi lumikha ng mga trabaho.


Mangangailangan ito ng isang batas na lilikha ng Interagency Council na bubuuin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na tulad ng Departments of Labor and Employment bilang Chairman, Justice, Finance, Agriculture at Foreign Affairs. Magiging katuwang dito ang lahat ng Local Government Units (LGUs).


Ang pagbalangkas ng employment strategies ay mangangailangan ng suporta ng Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI) at ng Employment Confederation of the Philippines (ECOP). Mahalaga ang partisipasyon ng mga ito lalo na sa paglikha ng medium at large scale industries sa paglutas ng nakababahalang unemployment problem ng lipunan.


Nagkataon na ang bill o panukalang-batas hinggil dito ay naihain na ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at nakatakdang talakayin sa Senado. Ang naturang Super Body ay isang higanteng hakbang sa paglikha ng mga trabaho


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SUPER BODY


No comments:

Post a Comment