Monday, November 18, 2013

Sto. Niño Shrine sa Leyte, intact—PCGG

Ni Kris Bayos


Nasira rin sa pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ ang mga sequestered property ng mga pamilya Marcos at Romualdez sa Leyte, kabilang ang Sto. Niño Shrine at Heritage Museum na dating dinarayo ng mga turista.


Dahil dito, nagpadala na ng mga kinatawan ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa Tacloban City noong nakaraang linggo upang magsagawa ng inspeksiyon sa mga sequestered asset ng mga Marcos at Romualdez at bigyan ng ayuda ang 24 PCGG volunteer sa Region 8.



Ayon kay Richard Amurao, PCGG Commissioner for Asset Management, iniulat ng PCGG Region 8 na nagtamo ng sira ang gusali ng Sto. Niño Shrine at Heritage Museum subalit ang mahahalagang nilalaman nito ay hindi naapektuhan ng bagyo.


“Our team reported that there was no looting in Sto. Niño Shrine, however, the shrine was damaged extensively,” sabi ni Amurao sa kanyang ulat kay PCGG Chairman Andres Bautista.


Ang Sto. Niño Shrine at Heritage Museum ay dating presidential residence noong panahon ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos, na naroroon ang mga mamahaling imahe ng Sto. Niño, antique furniture, obra maestro at iskultura na pinaniniwalaang nabili ng pamilya ng dating diktador gamit ang pondo ng bayan.


Ayon pa sa PCGG, dating kumikita ng halos P100,000 kada buwan mula sa mga dumarayong turista ang nasabing mga establisimyento upang masilayan ang mamahaling koleksiyon ng dating Pangulo at may bahay nitong si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, na tubong Leyte.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sto. Niño Shrine sa Leyte, intact—PCGG


No comments:

Post a Comment