Friday, November 15, 2013

‘Status: Complicated’, tribute kay Ishmael Bernal

Maja, Jake, Eugene, Paulo and Solenn


KUNG nabubuhay ngayon ang National Artist na si Ishmael Bernal ay tiyak na papasa sa kanyang panlasa ang updated version ng kanyang pelikulang Salawahan sa bago nitong pamagat na Status: Complicated.


Halos walang binago sa mabilis na pagpapalitan ng dialogues ng four principal characters. Medyo nakakahingal sundan pero nakaaaliw. Trademark na ito ng mga pelikula ni Bernal.



Malaking rebelasyon si Jake Cuenca at maging si Paolo Avelino sa talakan scene with Solenn Heuseff ay nakakabilib. At kung buhay pa si Ms. Rita Gomez (bilang Marian na buong husay na ginampanan ni Eugene Domingo) ay tiyak na pagiisipan

ni Direk Chris Martinez na pagsamahin ang dalawa sa isang project at magkaalaman na kung sino ang tunay na magaling.


Ang isa sa must-see sa pelikula ay ang breathtaking footage ng Boracay na hindi mo aakaling dito sa ating bansa matatagpuan. What a paradise comparable to other known beaches in the world, kaya ‘di kataka-takang paboritong dayuhin ng foreign celebrities.


Sa Boracay sequence alone pa lang ay sulit na sulit na ang ibinayad namin sa panonood. –Remy Umerez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Status: Complicated’, tribute kay Ishmael Bernal


No comments:

Post a Comment