Monday, November 25, 2013

Staff ng kongresista mula sa Region 2 ipinatawag ng NBI re SARO

IPINATAWAG na ng National Bureau of Investigation ang isang staff ng kongresista mula sa Region 2 para sumailalim sa imbestigasyon kaugnay ng pekeng Special Allotment Release Order o SARO.


Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang nasabing staff na hindi muna pinangalanang kongresista ang unang nagpakita ng pekeng SARO sa regional field unit ng Department of Agriculture sa Region 2 na nag-alerto naman sa DA Main Office.


Nang magtanong naman ang punong tanggapan ng DA sa DBM kaugnay ng nasabing dokumento, doon na nadiskubre na peke pala ang SARO.


Sa ngayon ay hindi pa batid kung ano ang lawak ng partisipasyon ng nasabing mambabatas, kung siya ba ay inosenteng recipient ng SARO o hindi.


Batay sa liham ni Budget Secretary Butch Abad, nabatid din umano na 13 kwestiyonableng SARO na laan para sa mga farm to market road projects ang pinaiimbestigahan ng DBM.


Tinitingnan na rin umano ng NBI ang impormasyon na nakarating na rin ang mga pekeng SARO sa iba pang rehiyon, kasama na ang Region 4A, Region 6 at Region 12.


Bilang bahagi ng pagsisiyasat, inalam na rin umano ng NBI sa DBM ang proseso ng paggawa ng SARO, kung saan ito nagmumula, sino ang naghahanda nito at kung anu-anong tanggapan ang pinagdaraanan nito.


Samantala,posibleng may kasabwat sa loob mismo ng Department of Budget and Management ang sinumang nasa likod ng pamemeke ng special allotment release order o SARO.


Ayon kay de Lima, imposible na walang kasabwat mula sa DBM dahil ang SARO at ang detalye hinggil sa nasabing dokumento ay galing mismo sa nasabing kagawaran.


Tumutugma rin ang pekeng SARO sa detalye na nakasaad sa orihinal na dokumento gaya ng SARO number, mga code, halaga, petsa at ang opisyal na signatory sa SARO.


Kung mayroon lamang na pagkakaiba sa orihinal na SARO, iyon ay ang font lamang na ginamit sa pekeng dokumento.


Kasama rin sa iniimbestigahan ng NBI ay ang posibilidad na ito ay isolated case lamang o matagal nang kalakaran, at kung gaano na kalawak ang modus operandi.


Sinabi pa ng kalihim na pinamamadali na niya ang imbestigasyon ng NBI lalu pa’t nalantad na sa publiko ang kontrobersiya.


The post Staff ng kongresista mula sa Region 2 ipinatawag ng NBI re SARO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Staff ng kongresista mula sa Region 2 ipinatawag ng NBI re SARO


No comments:

Post a Comment