Monday, November 18, 2013

Special poll sa Bohol at Zamboanga sa Nob. 25

NAKAHANDA na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagkakasa ng special election sa Bohol at Zamboanga sa darating na Lunes, Nobyembre 25.


Batay sa impormasyon, halos isandaang porsyento (100%) nang nakahanda ang COMELEC sa isasagawang special barangay elections sa natamaan ng malakas na lindol sa Bohol at sagupaan sa Zamboanga City.


Kapwa inihayag nina COMELEC Commissioners Grace Padaca at Al Parreño na nakahanda na ang mga gagamiting election materials at iba pang equipment para sa special elections.


Matatandaang na-postpone ang Oktubre 28 barangay polls sa Bohol matapos tamaan ng magnitude 7.2 na lindol habang ipinagpaliban din ang halalan sa Zamboanga City kasunod ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF).


The post Special poll sa Bohol at Zamboanga sa Nob. 25 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Special poll sa Bohol at Zamboanga sa Nob. 25


No comments:

Post a Comment