Wednesday, November 20, 2013

Skyforce, PL Antipolo, sa DELeague semis

Laro ngayon (Marikina Sports Park):

7p.m. — Sta. Lucia East Grand Mall vs. Skyforce

8:30p.m. — Hobe Bihon vs. PL Antipolo


Tinalo ng Skyforce ang Sealions sa overtime, 112-106, habang pinataob ng PL Antipolo ang MJM Production (Team Zamboanga), 108-92, Martes ng gabi para umusad sa round-robin semifinals ng 3rd DELeague-Kap. Rudy Francisco Cup na mag-uumpisa ngayong gabi sa Marikina Sports Center.



Nagtulong-tulong ang mga dating PBA player na sina Mark Caceres, Ronjay Enrile at Marlou Aquino na umiskor ng pinagsamang 45 puntos para sa itulak ang Skyforce sa panalo kontra Sealions. Nagdagdag din ng 10 rebounds si Aquino na makakasagupa ang dati niyang koponang Sta. Lucia East Grand Mall sa pagbubukas ng semifinal round ngayong gabi.


Gumawa naman ng 27 puntos si Mac Belo at nagdagdag ng 22 puntos si Alwin Elinon para pangunahan ang PL Antipolo kontra MJM Production.


Makakasagupa ng PL Antipolo sa 8:30 p.m. main game ngayon ang nagdedepensang kampeong Hobe Bihon.


Ang torneyong ito ay itinataguyod ni Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort. (Angie Oredo)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Skyforce, PL Antipolo, sa DELeague semis


No comments:

Post a Comment