Saturday, November 16, 2013

Sir Chief at Maya, maghihiwalay din?

JODI Sta. Maria and Richard Yap


ni Reggee Bonoan


GANDANG- GANDA kami sa pinanonood na kasalang Sir Chief (Richard Yap at Maya (Jodi Sta. Maria) sa Be Careful With My Heart kahapon nang biglang may katotong nag text nita: “Reggs, pareho kami ng wedding gown ni Maya.”


Ang katotong nag-text ay hiwalay na sa asawa ilang taon na nakararaan.



Maya-maya ay may nag-tex naman nita: “Diyan sa simbahan na ‘yan ikinasal sina Ogie (Alcasid) a Michelle (Van Eimeren).”


Napa-nyeee na kami dahi matagal na ring hiwalay sina Ogie at Michelle na may kanya-kanya nang ibang asawa.


Susme, hindi kayang masamang pangitain ito … na baka maghiwalay din sina Sir Chief at Maya kahit alam nating palabas lang ito?


Wala lang naaliw lang kaming isulat ito.


At may pahabol pa, naunahan pa raw ni Sir Chief si Jolo Revilla na pakasalan si Maya, ha-ha-ha! ‘Kaloka!


Sinulat namin ito para mapangiti kahit papaano ang mga mambabasa na mahigit isang linggo malungkot sa kalunos-Iunos na mga balita tungkol sa pananalasa ng bagyong Yolanda.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sir Chief at Maya, maghihiwalay din?


No comments:

Post a Comment