Sunday, November 10, 2013

Signal No. 1 nakataas sa 6 Mindanao provinces

NAKATAAS na ang signal number 1 sa Dinagat, Siargao, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental at Surigao del Sur kaugnay sa bagyong Zoraida.


Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang sama ng panahon na pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR).


Ayon sa PAGASA, isa na itong tropical depression o mahinang bagyo mula sa pagiging low pressure area (LPA) pa lang kagabi.


Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 1,000 kilometro sa silangan ng katimugang Mindanao.


Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at kumikilos sa direksyong pahilagang kanluran sa bilis na 26 kph.


Inaasahang makaaapekto ito sa ilang bahagi ng Mindanao, gayundin sa mga lugar na dati na ring naapektuhan ng supertyphoon Yolanda sa Visayas region.


Pero mahina ang bagyong ito kung ikukumpara sa nagdaang sama ng panahon.


The post Signal No. 1 nakataas sa 6 Mindanao provinces appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Signal No. 1 nakataas sa 6 Mindanao provinces


No comments:

Post a Comment