Thursday, November 7, 2013

Sen. Miriam: Si JPE ang ‘godfather’ ng pork scam

Ni Leonel Abasola


Walang takot na itinuro ni Sen. Miriam Defensor Santiago si Sen. Juan Ponce Enrile bilang “godfather” ng P10 bilyong anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).


Sinabi ni Santiago na hindi sana makalulusot ang pork scam kung hindi ito kinunsinti ng liderato ng Senado, partikular noong panahon ng pamumuno ni Enrile.



Ani Miriam, malakas ang loob ni Janet Lim-Napoles na hindi kumanta sa Senate hearing dahil tumatayong protektor nito si Enrile.


Samantala, hindi rin umubra ang alok ni Santiago kay Napoles na ihayag nito ang kanyang nalalaman sa PDAF scam.


Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, pinaliwanag ni Santiago kay Napoles na sa lahat ng sangkot sa iskandalong ito, ito ang may pinakakaunting kasalanan, kaya dapat na nitong ituro kung sino sa mga mambabatas ang kumukubra sa kanya ng komisyon.


“Hindi ka ba natatakot na anumang oras pwede kang ipapatay ng mga mambabatas? Ikaw kasi ang may alam, nasa utak mo lahat iyan,” ayon kay Santiago.


Aniya, sa pamamagitan ng “Perpetuation of testimony” ay puwede niyang sabihin ang lahat at kung mamatay man siya, ay ang testimonya na niya ang pagbabasehan ng korte.


Nabigo din si Santiago na ikonekta si Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr., na tukuyin ang mga ito ni Napoles bilang “Tanda,” “Sexy,” at “Pogi” na unang itinuro ng mga whistleblower na nakakubra ng malaking halaga mula sa PDAF scam.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sen. Miriam: Si JPE ang ‘godfather’ ng pork scam


No comments:

Post a Comment