PATAY ang isang security guard makaraang mag-collapse habang naglalaro ng basketball sa tapat ng kanyang binabantayang condo unit sa Quezon City kagabi, Nobyembre 24.
Kinilala ang biktima na si Gemark de Asis, 21, ng 13-B Iloilo St., Brgy. Sto Cristo, Bago Bantay, QC.
Si de Asis ay idineklarang dead on arrival sa Dr. Montano Ramos Hospital matapos isugod sa pagamutan.
Naganap ang insidente sa harap ng no. 25 Grass Residence Tower II Nueva Ecija cor. Nueva Viscaya St., Bago Bantay, QC alas-6:00 kagabi.
Sinabi sa ulat na naglalaro ng basketball ang biktima kasama ang ilang kalalakihan nang biglang mag-collapse ang biktima.
Bigla na lamang bumagsak sa semento ang biktima dahilan para isugod sa ospital .
Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid kung ano ang dahilan ng pagkasawi nito.
The post Sekyu todas sa basketball appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment