Monday, November 4, 2013

Security personnel ng LTFRB, iimbestigahan

IIMBESTIGAHAN na ang security personnel ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa nakuhang granada sa ahensya kahapon.


Aalamin ng pamunuan ng LTFRB kung bakit hindi napigilan ang suspek na naglagay ng granada sa men’s comfort room sa ikatlong palapag ng LTFRB.


Matatandaan na sumiklab ang tensyon sa LTFRB matapos silang makatanggap ng tawag sa telepono na may sasabog na granada sa harap ng administration building.


Gayunman, matapos mag-negatibo ang paghahanap ng bomb squad ng Quezon City Police sa paligid ng gusali ay nagbalikan na sa loob ng tanggapan ang mga empleyado.


Nasa loob na ng gusali ang mga empleyado nang matuklasan naman ng utility ng LTFRB ang granada sa loob ng comfort room.


The post Security personnel ng LTFRB, iimbestigahan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Security personnel ng LTFRB, iimbestigahan


No comments:

Post a Comment