Tuesday, November 26, 2013

SEAITC: Arcilla, Lehnert, may tatargetin

Binitbit nina Johhny Arcilla at Katharina Lehnert ang kampanya ng Pilipinas sa singles division matapos mabigo ang kanilang mga kasamahan sa doubles sa ginaganap na Southeast Asian Invitational Tennis Championships sa Bangkok, Thailand.


Kapwa umusad sina Arcilla at Lehnert sa semifinals sa pagkubra ng kahanga-hangang panalo habang tumuntong din ang koponan sa semis ng team event upang pag-alabin ang posibleng tatlong ginto sa torneo na isinagawa bilang alternatibo sa inalis na disiplina sa 27th Myanmar Southeast Asian Games.



Binigo ng 34-anyos na si Arcilla ang nakatapat na si Hoang Thien Nguyen ng Vietnam, 6-2, 6-3, upang makaharap ang numero unong si Kittipong Wachiramanowong ng Thailand na tinalo naman ang nakasagupa na mula Myanmar na si Zaw San Oo, 6-0, 6-1.


Pinatalsik naman ni Lehnert, nasa kanyang unang kampanya para sa Pilipinas, ang nakasagupa na si Phin Khanh Huynh ng Vietnaman, 6-3, 6-1. Susunod na makakatagpo ng ng ikawalang seed na Fil-German ang third seed na si Kamon Won Buayam ng Thailand na tinalo si Grende Tami ng Indonesia, 7-5, 6-2.


Lumapit sa posibleng kampeonato ang koponan matapos na talunin ng Pinoy netter ang Malaysia, 2-0, upang sagupain sa semifinals ang Indonesia na pinatalsik naman ang Burma, 2-0.


Natabunan nila ang kabiguan ng pares ng Pilipinong netter na sina Patrick John Tierro at Marian Jade Capadocia na naudlot sa quarterfinals. Minalas si Tierro kontra Ming Quan Do ng Vietnam, 2-6, 0-4 (ret.) habang nabigo naman si Capadocia sa ikaapat na seed na si Dai Trang Huyng ng Vietnam, 1-6, 4-6.


Sumadsad din sa quarterfinals ang tambalan nina Davis Cupper Treat Huey at Ruben Gonzales, kontra Indonesian na sina Sunu Wahyu Trijat at Armando Soe Marno, 4-6, 7-6 (8-6), 12-10, sa men’s doubles.


Sinundan ito ng kabiguan nina Fil-Italian Edilyn Balanga at Clarice Patrimonio na yumukod sa ikatlong set kontra kina Tami at Efrilia Herlina ng Indonesia, 4-6, 6-3, 10-5. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SEAITC: Arcilla, Lehnert, may tatargetin


No comments:

Post a Comment