Tuesday, November 19, 2013

San Beda, La Salle-Zobel, nangibabaw

Tinapos ng San Beda College Alabang ang isang impresibong season sa pamamagitan ng pag angkin sa seniors volleyball plum habang inangkin naman kapwa ng De La Salle Zobel ang midgets at juniors crowns sa bisa ng two-game sweeps sa pagtatapos ng first semester ng 44th WNCAA tournament sa RTU gym sa Mandaluyong City.



Ginapi ng San Beda ang last year’s champion Centro Escolar University, 16-25, 25-20, 25-21, 25-17, upang makumpleto ang isang makasaysayang kampanya at maangkin ang titulo sa seniors.


Nauna nang binura ng 4th seed na San Beda ang twice-to-beat edge ng topseed Rizal Technological University na galing sa pagwawalis ng walo nilang laro sa eliminations sa nakaraang Final Four round.


Kasunod nito, naunahan pa sila ng losing finalist CEU sa finals opener, 25-18, 25-27, 25-10, 23-25, 15-8,bago nila naitabla ang serye sa pamamagitan ng 25-13, 25-22, 25-11 panalo noong Game Two na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.


Sa juniors division, ginapi naman ng DLSZ ang St. Scholastica’s College, 25-16, 24-26, 25-18, 25-17 habang binawian naman nila sa midgets championship ang nagpataob sa kanila noong isang taon na San Beda, 25-13, 22-11.


Dahil sa panalo, ang DLSZ na ngayon ang league’s winningest squad sa hawak nilang apat na titulo.


Tinanghal na Most Valualable Players sina Mitchico Malonzo ng San Beda (seniors) at sina Jan Potenciano (midgets) at Mildred Dizon (juniors), kapwa ng DLSZ.


Ang iba pang mga kampeon sa torneo na suportado ng Cafe Lupe Antipolo, OneA Family KTV and Sports Bar, Jeunesse, Molten, Mikasa, Goody, MJP Printing Press, Monster Radio RX 93.1, Alpha Insurance and Surety Company at School Bus ay ang Centro Escolar University (senior basketball), Chiang Kai Shek College (junior basketball) at Rizal Technological University.


Ang iba pang mga nalalabing event para sa second semester ay kinabibilangn ng badminton, swimming, table tennis, tennis,

taekwondo at cheerleading. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



San Beda, La Salle-Zobel, nangibabaw


No comments:

Post a Comment