Tuesday, November 19, 2013

Ryan, tatapatan ang game show ni Juday

Ni Nora Calderon


RYAN Agoncillo NAGLALARO ang ilang entertainment press sa Picture Picture na new game show ng GMA-7, ang first show ni Ryan Agoncillo sa pagpirma niya ng program contract sa GMA Network.


Nanganganay at medyo nagkaroon pa ng glitches ang pagho-host ni Ryan noong gabi ng Lunes before the presscon/ launch ng show na mapapanood na simula sa Sabado, November 23, 6:00 PM.



Exciting ang show at tiyak na magugustuhan ito ng mga manonood at makikisagot sila sa contestants kapag ipinakita na ni Ryan ang pictures kasama ang mga tanong.


So, hindi na mapipigilan ang pagtatapat nila ng show rin ng wife niyang si Judy Ann Santos na Bet On Your Baby naman sa ABS-CBN?


“Hindi ko pa rin sure, baka magtapat o mayroong mauuna sa amin,” sagot ni Ryan. “Nakakatuwa nga ang anak naming si Yohan, sabi niya baka raw p’wede ko na lang ilipat ng Sunday ang game show ko para hindi siya manood sa dalawang TV sets. Pero wala kaming magagawa ni Juday, trabaho ito at siguro kami lang mag-asawa ang magkakatapat ang show.


“Pinag-usapan naman namin ito at biro ko sa kanya, dapat walang intriga para may intrega (talent fee). Pinag-promise ko na lang siya na kapag nagsimula nang magtapat ang shows namin, magbabatian kaming dalawa bago magsimula ang show at masarap pa rin ang dinner namin every Saturday. Nagkasundo na rin kami ng joint Christmas party na we will call it Picture Your Baby.”


Bago ang Picture Picture, napanood nang mag-cameo role si Ryan sa My Husband’s Lover. Ibig bang sabihin ay puwede rin siyang gumawa ng soap sa GMA?


“Nang pinapanood ko pa noon ang My Husband’s Lover, nakita ko ang beauty ng story at nasabi ko na sana maging part ako ng show. Nakabakasyon ako noon after my fight with dengue, nang tumawag ang manager ko (Noel Ferrer) at kinukuha nga raw akong mag-guest. That time, nakaplantsado na rin itong Picture Picture kaya humanap kami ng time na p’wede akong mag-taping. Sa ngayon, wala muna kaming plan ng manager ko na maging exclusive Kapuso star ako and we are taking one show at a time.


“Sa ngayon kasi, daily ako sa Eat Bulaga at for five years, nasa kanila ang loyalty ko, kaya nang i-offer ng TV5 sa akin na mag-hostng Let’s Ask Pilipinas na isa ring daily show, hindi ko iyon tinanggap. Precious din kasi sa akin ang time ko with my family at ayaw kong i-sacrifice ang mga aras na p’wedeng makasama ko sila dahil sa trabaho, lalo ngayon na nasa growing-up years na si Yohan who is nine years old at si Lucho is now 3 years old.”


Kumusta naman ang relasyon nila ni Juday?


“Wala kaming problema ni Juday, siya pa rin ang naghahanda ng baon ko araw-araw bago ako pumunta sa Eat Bulaga. Nakakatuwa dahil hindi kami madalas magkausap nang mataga!, ang baon ko, may kasama pang love letter, nagpapalitan kami nito everyday.”


Ang Picture Picture ay idinidirek ni Rico Gutierrez na first time makakatrabaho ni Ryan. Hi-tech ang stage at celebrities muna ang igini-guest nila. Ang winner ay maaaring manalo ng hang gang P500,000 cash kapag nasagot ang final question. May isa nang celebrity na nanalo ng grand prize. Abangan!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ryan, tatapatan ang game show ni Juday


No comments:

Post a Comment