Wednesday, November 6, 2013

Rom 14:7­12 ● Slm 27 ● Lc 15:1­10

Lumapit kay Jesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Nagbulungan ang mga Pariseo tungkol kay Jesus: “Tinatanggap niyan ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Jesus ang talinhagang ito : “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala? At pag natagpuan ito, tatawagin niya ang mga kaibigan at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa Langit para sa isang makasalanang nagsisisi.”


PAGSASADIWA

Lumapit kay Jesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. – Tanging ang mga salitang nanggagaling sa mga labi ni Jesus ang pamawi sa ganitong klaseng uhaw at gutom na kanilang nararamdaman. Ikinatuwa naman ito ni Jesus dahil para sa katulad nila naparito at nagkatawang­tao ang Diyos Anak. Katulad nila ang isang tupang nawawala. Iniiwan ng pastol ang siyamnapu’t­siyam upang sila ay hanapin at matagpuan. Ang pagkakatagpo sa nawawala at naliligaw ay ipinagdiriwang sa kalangitan. Ang paglapit ng mga makasalanan kay Jesus ay isang bagay na kanyang palaging inaasam­asam.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rom 14:7­12 ● Slm 27 ● Lc 15:1­10


No comments:

Post a Comment