Tuesday, November 5, 2013

Rom 13:810 ● Slm 112 ● Lc 14:2533

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pagibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin … At paano kung may haring makikipagharap sa ibang hari? Hindi ba’t uupo muna siya para magisip kung kaya niya at ng sampung libong kasama niya na harapin ang dumarating na may dalawampung libo? At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na siya ng mga sugo para makipagareglo. Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging alagad ko ang di tumatalikod sa lahat ng kanya.”


PAGSASADIWA

Hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin.—Para maging ganap na alagad ni Jesus, buong pusong pagtatalaga ng sarili ang kailangan. Madaling sumunod kapag magaan ang dinadala, maganda ang dinaraanan, masaya at payapa ang kalooban sa paglalakbay. Upang makapagpatuloy sa pagsunod sa Panginoon, kinakailangang harapin ang katotohanan at pasanin ang krus ng buhay tuwina.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rom 13:810 ● Slm 112 ● Lc 14:2533


No comments:

Post a Comment