Sunday, November 3, 2013

Rom 11:29 36 ● Slm 69 ● Lc 14:12 14

Sinabi ni Jesus sa pinuno ng mga Pariseo na nag- anyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag- anak o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at suklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga balewala, mga pilay at mga bulag ang kumbidahin mo. At magiging mapalad ka dahil hindi ka nila masusuklian ngunit sa pagkabuhay ng mga mabuti ka susuklian.”



PAGSASADIWA

Kung maghahanda ka… huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin… mga dukha, … ang kumbidahin mo. Sa kabila ng masamang reputasyon ng karamihan sa mga Pariseo sa mga ebanghelyo, hindi tayo nakatitiyak na wala sa kanilang sumunod sa panukalang ito ni Jesus. Sa katunayan, may mga Pariseo na sa panahon ni Jesus at maging bago pa siya dumating na katulad nito ang itinuturo. Nasusulat din sa ibang bahagi ng Bagong Tipan na may mga Pariseo ding naging Kristiyano pagkatapos ng Muling Pagkabuhay ni Jesus. Si Pablo na isa ring Pariseo ay nagpahiwatig din ng kaparehong aral sa kanyang Sulat sa mga taga- Roma: “Dapat pasanin ng malalakas ang mga kahinaan ng mahihina; huwag nating bigyanglugod ang sarili. Bigyang-lugod ng bawat isa sa atin ang kanyang kapwa at gawin ang mabuti na magpapatatag sa kanya.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rom 11:29 36 ● Slm 69 ● Lc 14:12 14


No comments:

Post a Comment