Tuesday, November 5, 2013

Reklamo ng OFWs vs Saudi abuse aaksiyunan

AAKSIYUNAN ng gobyerno ng Pilipinas ang reklamo ng mga pinauwing overseas Filipino workers na pinagmalupitan sa Saudi Arabia.


Magugunitang nagrereklamo ang OFWs hinggil sa pang-aabuso ng Saudi authorities kapag sila’y inaaresto kasunod ng crackdown sa illegal foreign workers.


Ilan sa mga napauwing OFWs ang nagsabing kinadena pa sila hanggang makasakay ng eroplano.


Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na tungkulin ng gobyernong ipagtanggol ang karangalan at karapatan ng mga mamamayan.


Ayon kay Coloma, kung may sapat na katibayan, handa ang pamahalaan na tumulong sa pagkamit ng hustisya.


The post Reklamo ng OFWs vs Saudi abuse aaksiyunan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Reklamo ng OFWs vs Saudi abuse aaksiyunan


No comments:

Post a Comment