Thursday, November 7, 2013

‘Rape club’ sa New Zealand

Wellington (AFP)— Iniutos ng gobyerno ng New Zealand ang independent inquiry noong Huwebes sa mga alegasyon na nabigo ang pulisya sa imbestigasyon sa online “rape club” na bumibiktima ng kabataang babae.


Sinabi ni Police Minister Anne Tolley na ang kaso, nagbunsod ng galit sa New Zealand, ay “poorly handled” at hiniling niya sa police watchdog na magsagawa ng imbestigasyon.



Nakasentro ang kaso sa isang gang ng kabataang kalalakihan na tinatawag ang kanilang mga sarili na “Roast Busters”, na ipinagmamalaki sa online ang pambubuyo sa mga batang babae na karamihan ay edad 13 sa alcohol at kalaunan ay isinasama sila sa group sex.


Ang Auckland-based group, karamihan ay nasa sa late teens, ay inuulat na gumamit ng Facebook para makipagkilala sa mga dalagita at pagkatapos ay nagpapaskil ng mga komento at video sa social media site na ipinagyayabang ang kanilang mga ginawa at ipinapahiya ang kanilang mga biktima.


Kinondena ni Prime Minister John Key ang gawain ng grupo ngunit inaming mahirap tugisin ang mga suspek dahil sa kakulangan ng mabigat na ebidensiya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Rape club’ sa New Zealand


No comments:

Post a Comment