Sunday, November 17, 2013

Railway system sa Mindanao, ipinanukala

Iminungkahi ng Sangguniang Panglalawigan ng Agusan del Norte ang pagtatayo ng “Mindanao Railway Project” para mapabilis ang pamamahagi ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa panahon ng kalamidad.


Sa ika-16 na regular session ng Sangguniang Panglungsod ng Butuan noong Nobyembre 14, na pinangunahan ni Vice Gov. Ramon Bungabong, ipinasa ng sanggunian ang Resolution No. 064-2013 na nagmumungkahi sa implementasyon ng “High Speed Railway Transportation Project” sa Mindanao.



Sa nasabing resolusyon, ang railway system ay bibiyahe sa General Santos City, Davao City, Caraga region, Misamis Oriental hanggang sa Zamboanga City.


Ipinanukala ng mga mambabatas sa lalawigan ang paunang implementasyon ng A-Line at B-Line Railway System; na saklaw ng A-Line ang General Santos City Port hanggang Surigao City Port, habang ang B-Line ay magmumula sa Cagayan de Oro City Port, at maguugnay ang dalawang linya sa pantalan ng Butuan City.


“This project will give efficient transportation system not only for passengers but most importantly transporting of goods and services, especially agricultural products,” saad sa resolusyon ng Sangguniang Panglalawigan ng Agusan del Norte.


Batay sa resolusyon, ang proyekto ay popondohan ng mga dayuhang mamumuhunan at mga non-government organization sa tulong ng mga pribadong negosyo.


Panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay ipinapangako na ang railway system sa Mindanao at milyun-milyong piso na ang nagastos sa feasibility study para sa nasabing transportasyon, ayon sa ilang mambabatas mula sa hilaga at hilaga-silangang Mindanao. – Mike U. Crismundo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Railway system sa Mindanao, ipinanukala


No comments:

Post a Comment