Monday, November 11, 2013

QC: Plastic bag, patuloy na bumabara sa kanal

Kahit may ilang pagbabawal na sa paggamit ng plastic bag sa Quezon City, sinabi ng engineering department ng lungsod na patuloy na bumabara sa mga daluyan ng siyudad ang non-biodegradable materials na nagbubunsod ng baha tuwing malakas ang ulan.



Sa isa sa mga routine inspection, sinabi ni Joselito Cabungcal, hepe ng Quezon City Engineering Department (QCED), na nahakot ng kanyang mga tauhan ang tone-toneladang basura na nakabara sa mga kanal at daluyan ng siyudad.


Sinabi niyang mas lulubha pa ang sitwasyon kung hindi sila regular na nakikipag-ugnayan sa kanyang mga counterpart na sina Roseller Tolentino at Ramon Devanadera, district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City para sa regular na paglilinis ng mga daluyan.


Kaugnay nito, umapela si Cabungcal sa mga may-ari at empleyado ng mga supermarket na ilagay ang grocery items sa mga karton o shopping bag na gawa sa biodegradable materials.


Sinabi ni Cabungcal na may 65 porsiyento ng mga basurang nakukuha mula sa mga kanal ay plastic bag at iba pang non-biodegradable materials.


Hinimok din ni Cabungcal ang wastong waste segregation at pagre-recycle ng basura. – Chito Chavez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



QC: Plastic bag, patuloy na bumabara sa kanal


No comments:

Post a Comment