Sunday, November 24, 2013

QC councilors ‘hands off’ sa graft case vs Visaya

Hindi makikialam ang konseho ng Quezon City sa kasong graft na kinakaharap ni 5th District Councilor Jose Visaya sa Office of the Ombudsman.


Sa isang ambush interview, sinabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, presiding officer ng konseho, na ipinauubaya na nila ang kaso sa anti-graft agency dahil wala namang nagsasampa ng reklamo sa Ethics Committee ng konseho kaugnay ng nasabing usapin.



“Wala naman pong naisampang complaint sa komite sa laban sa kanya (Visaya) and besides, hindi pa man po siya konsehal nang maganap ang nasabing isyu,” sabi ni Belmonte. Gayunman, ipinaliwanag ng bise alkalde na kapag may naghain ng reklamo sa konseho laban sa konsehal ay kaagad nila itong aaksiyunan.


Ayon kay Belmonte, hihintayin na lang nila ang magiging desisyon o resolusyon ng Office of the Ombudsman sa kaso ni Visaya.


Setyembre 11 ngayong taon nang iniharap nina Barangay Kagawad Teresita Bognot, Leah Reyes at Maria Kristine Fider ang graft complaint sa anti-graft agency, at binanggit ang pag-withdraw ni Visaya ng P170,520 noong barangay chairman ito ng Novaliches Proper.


Ipinaliwanag ng mga complainant na nagawa umano ni Visaya na mailabas ang pera sa isang sangay ng Philippine National Bank (PNB) kahit walang authorization letter at resolusyon ng barangay council na nagbibigay-pahintulot sa kanya na gawin ito.


Ang nasabing pera ay gagamitin sana bilang cash gift at year-end bonus ng mga kawani ng nabanggit na barangay. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



QC councilors ‘hands off’ sa graft case vs Visaya


No comments:

Post a Comment