Monday, November 25, 2013

PURO BUKOL NA SI ERAP

KATAKOT-TAKOT na ang bukol na inaabot ni Pangulong Manila Mayor Joseph Estrada sa mga kotongang nangyayari sa Maynila. Mula sa koleksyon sa trapiko, vendors, iligal na sugal at bahay aliwan, hataw ngayon saanmang sulok ng lungsod.


May sumingaw na pangalan…may basbas daw ng isang morenong mama ang koleksyon sa illegal vices?


Pero ang sisi at galit ng mga tao ay kay Mayor Erap. Hampas sa mahihirap, kay Erap ang latay!


Tama ba ‘yun?


Umuugong na balita na ‘yung morenong mama ay umuusok ang ilong sa galit kay Erap kasi’y tinabla ni Yorme ang dalawang peryahan sa mismong gilid ng City Hall sa Bonifacio Shrine at sa Remedios Circle. Si morenong mama ang lumulutang na protektor ng dalawang peryahan.


Hindi na kasi barya-barya ang peryahan ngayon, libuhan na ang lagay ng mga ‘yan sa kanilang mga protektor. Sobra na ba ang pangangailangan ng morenong mama kaya kahit peryahan, e, pinapatulan na?


Sa isang banda, saludo tayo kay Mayor Erap na huwag hayaang maging tau-tauhan lang diyan sa Maynila. Iparamdam ni Erap na siya ang MAYOR at dapat masunod! Huwag hayaang mamayagpag at maghari-harian ang mga natuntong lang sa kalabaw.


Aba’y hirap ang commuters sa Maynila para lamang dumayo at magtungo sa mga provincial terminal kasi bawal na bawal na ang mga bus.


Sa una, parang ang galing kasi’y biglang naging invisible ang mga dambuhalang bus sa Maynila. Nag-ingay at nagwawala pa nga ang mga konduktor, driver at operator ng mga bus pero hindi natinag si Mayor Erap. Tuloy ang bus ban sa Maynila!


Pero lately, mistulang kabute na naman ang mga bus sa Taft Avenue. Personal nating nakikita na nagsasakay at nagbababa ng pasahero ang mga bus dito. Tahimik na rin ang bus drivers at operators. Malaki raw ang lagayan ngayon at koleksyon sa provincial buses. Ibig sabihin, nabubukulan uli si Mayor Erap?


Alam kaya ito ng magiting na traffic czar na si Vice Mayor Isko?


Sa vendors at pedicab drivers, grabe rin ang koleksyon diyan. Nagagalit sila kay mayor dahil pinakokolektahan daw sila tapos pinahuhuli rin.


Namamayagpag ang mga astig na kolektor na nagpapakilalang tauhan sila ng Office of the Vice Mayor. Ilan dito ay nakatalaga sa tongpats sa Lawton illegal terminal at ang kabilang grupo ay nakatoka sa illegal vendors at gambling.


Matangos naman ang ilong ni Erap pero bakit hindi niya naaamoy ang kotongan sa lungsod ng Maynila ngayon? Kailangan na siguro niyang mag-helmet. Hehe…


The post PURO BUKOL NA SI ERAP appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PURO BUKOL NA SI ERAP


No comments:

Post a Comment